“30 years na ako sa Lica, at labis ang pasasalamat ko dahil gumanda ang buhay ng mga anak ko. Mahalaga ang pagiging matiisin at mahalin ang trabaho, dahil ito ang susi sa tagumpay at mas magandang kinabukasan.”

-Genie (Accounting)

“Almost 2 years na ako sa Lica and I’m very thankful—una, sa tiwalang ibinigay sa akin para sa role na ito; pangalawa, sa flexible schedule na tumutulong sa akin na maalagaan ang anak ko at mabigyan siya ng maayos na buhay. Sa mga naghahanap ng career growth, dito ka na sa Lica. Marami kang matututunan, may magagaling na leaders, at matututo kang lumabas sa comfort zone mo. Hindi madali, pero sobrang worth it.”

-Mae (Sales Residential)

“1 year and 9 months na ako sa Lica, at sobrang thankful ako dahil ito ang naging bread and butter ko sa loob ng 21 months. Bilang single mom, malaking tulong ito sa pagsuporta sa anak ko. Ang maipapayo ko: mag-focus lang, lahat ng hirap ay pagsubok lang — huwag mawawalan ng tiwala at mahalin ang trabaho.”

-Belle (Mall & Property Management)

“In my 5 months at LICA, my job has helped me financially support my mother’s medication. My advice: stay focused on your goals, stay equipped, and keep your faith in God—what you aspire for, you can achieve.”

-Biberlyn (Accounting)

“3 months na ako sa Lica, at masaya ako dahil ngayon ay may sarili na akong pera, spend with my Kids and to pamper my Mom. Naniniwala ako Behind the successful woman is herself! Ikaw mismo! Dapat lang alam mo imanage ang oras ng trabaho sa pamilya.”

-Kath (Human Resources & Admin Development)

“More than two years na akong super thankful sa Lica. Dahil sa trabaho ko rito, natutustusan ko ang pangangailangan at pag-aaral ng mga anak ko, pati mga bayarin sa bahay. Para sa mga future mommies, lalo na sa mga single moms, hindi madali ang pagsabayin ang trabaho at pagiging ina — pero kakayanin mo para sa mga anak mo.”

-Analyn (Collections)

“1 year and 5 months na akong thankful sa Lica sa oportunidad na makapagtrabaho bilang seller sa BCCT. Dahil dito, natupad kong makakuha ng house and lot para sa mga anak at manugang ko—mataturn over na ngayong December. Sana magtagal pa ako sa Lica para matupad pa ang ibang pangarap ko tulad ng sasakyan at travel para sa mga anak ko. Isang single mother at widow na rin ako for almost 17 years, kaya doble kayod bilang nanay at tatay. Patuloy lang sa pananampalataya—’nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.’”

-Anjanette (Sales Residential)

“Sa loob ng 2 taon, malaking tulong sa buhay ko bilang ina ang Lica—nakakapagpaaral ako ng mga anak ko at naitataguyod ang pang-araw-araw naming pangangailangan. Para sa mga nanay na naghahanap ng trabaho, ang maipapayo ko: magsipag lang at huwag mawalan ng pag-asa.”

-Anabelle (Mall & Property Management Operations) 

“In my 8 months at Lica Land, I’ve found more than a job—I’ve found purpose, strength, and growth. As a mother, I’ve learned to balance career and family with resilience and love. Every sacrifice and success at work fuels my mission to be a better provider and role model for my child. To all mothers seeking work: be kind to yourself, embrace your journey, ask for help, and believe in your worth. Motherhood adds to who you are—it doesn’t limit you. With faith, love, and hard work, we can build beautiful futures for our families.”

-Jackelyn (Collections)

“Mag-8 years na ako sa Lica ngayong June 2025, at lubos akong nagpapasalamat sa pagkakataong makapagtrabaho. Dahil dito, napalaki at nasuportahan ko mag-isa ang anak ko hanggang sa makatapos siya ng pag-aaral. Sa sipag, tiyaga, tiwala sa sarili, at dasal—tiyak na maaabot ang tagumpay para sa kinabukasan.”

-Jeneveve (Mall & Property Management Operations)

“2 months na ako sa Lica, at lubos ang aking pasasalamat dahil sa maikling panahong ito, naibibigay ko na ang lahat ng pangangailangan ng aking anak. Naibalik din ang sigla ko sa trabaho, naipagpapatuloy ko ang pagiging career woman, at mas naeenjoy ko ang bawat sandali bilang isang bagong ina”

-Camille (Accounting)

“Sa loob ng 8 taon sa Lica, malaki ang naitulong sa akin—hanggang ngayon nasusuportahan ko ang anak kong nasa 3rd year college sa kursong Chemical Engineering. Nakapagpatayo rin ako ng munting tahanan mula sa mga kinita kong komisyon. Ang sikreto? Sipag, dedikasyon sa trabaho, at mahalin ang kumpanyang tumutulong sa atin.”

-Imelda (Sales Residential)

“Isang taon na ako sa Lica Land, at malaki ang pasasalamat niya sa pagkakaroon ng maayos at stable na trabaho na tumutulong sa kanya bilang isang ina. Dahil malapit lang siya sa trabaho, nakaka-uwi siya nang maaga para maalagaan ang kanyang anak at hindi na napapagod sa biyahe. Bagamat mahirap sa simula, naniniwala siyang kakayanin ang pagiging isang ina at career woman basta’t may tiyaga, tiwala sa sarili, dasal, positibong pag-iisip, at suporta mula sa mga mahal sa buhay.”

-Camille (Design Development Section)

“Magdadalawang buwan na ako sa LICA, at masasabi kong malaki ang naitulong ng pag-manage ng oras at priorities sa akin. Natutunan kong unahin ang mga bagay na mahalaga at huwag ma-stress sa sabay-sabay na responsibilidad. Bilang bagong ina, mas lumawak ang pang-unawa ko sa kung paano pagsabayin ang pag-aalaga sa anak at trabaho. First-time mom ako, kaya alam kong importante talaga ang pisikal at mental na paghahanda. Sa bawat araw, natututo akong mag-adjust at mas maging maayos sa pagharap sa mga bagong hamon. Para naman sa mga patuloy na naghahanap ng trabaho, huwag tayong tumigil sa pag-develop ng sarili. Kapag handa tayo, darating din ang tamang opportunity para sa atin.”

—Jazmin(Office Busters)

“2 taon na ako sa Lica, at sobrang thankful at grateful ako dahil ang dami kong natutunan—hindi lang sa posisyon ko ngayon kundi pati na rin sa pakikitungo sa ibang tao. Dahil sa Lica, natutustusan ko ang pangangailangan ng mga magulang ko, at lalo na ngayon na may 9-month-old baby boy na ako. Natutunan ko rin na huwag mahiyang humingi ng tulong, lalo na kung makakatulong ito para mapadali ang mga gawain.”

-Cheery (Human Resources and Admin Department)

“Isang taon na ako sa Lica Land at sobrang thankful ako sa magandang oportunidad na binigay nila sa akin. Bilang isang working mom, masaya ako na naibibigay ko ang lahat ng pangangailangan ng mga anak ko at nakakatulong din ako sa parents ko. Para sa akin, lahat ng nanay ay “wonder woman”—kaya nating gawin ang lahat para sa mga anak natin at ibigay sa kanila ang mundong nararapat para sa kanila.”

-Hidy (Mall & Property Management Operations) 

“1–2 years na ako sa Lica Land, at thankful ako dahil may trabaho ako na kayang suportahan ang mga pangangailangan namin. Maraming hamon sa trabaho at sa pamilya, pero tinatanggap ko ito nang may positibong pananaw at tibay ng loob—dahil alam kong sa bawat pagsubok, may kasamang pagkakataon para lumago at tumibay.

-Kristine (Mall & Property Management Operations)

 “Nagsimula akong maging empleyado ni LICA noong 2019 sa panahon ng pandemya sa ilalim ng isang agency, at noong 2023 ay na-absorb ako ni LICA at naging regular employee noong Pebrero 17, 2025. Bilang solo parent sa loob ng 17 taon, napakalaking tulong ni LICA sa akin dahil natutustusan ko ang pangangailangan ng aking mga anak sa pagkain at edukasyon. Kahit mahirap minsan, patuloy lang ang laban para sa mga anak. Ang maipapayo ko sa mga kapwa magulang ay maging handa at huwag sumuko sa mga pagsubok—laban lang para sa mga anak na umaasa sa atin. Sa mga naghahanap ng trabaho, hindi madali, pero mahalaga ang tiyaga, sipag, pakikisama, at tiwala sa Diyos. Walang trabahong madali, nasa atin kung paano natin ito haharapin. Sa panahong pakiramdam ko ay susuko na ako, ang dasal ang nagpapalakas ng loob ko para magpatuloy.”

-Josie (Mall & Property Management Operations)

 “Bilang isang single mom ng tatlong anak at may 9 na taon na sa Lica, malaking tulong ang trabaho ko sa Lica para matugunan ang pangangailangan ng pamilya ko. Ang maipapayo ko ay mahalin ang trabaho, iwasan ang pagiging tamad, at huwag mag-settle sa “pwede na ‘yan.” Dapat siguraduhin na tama ang mga desisyon at tumayo sa tama, lalo na kapag alam mong nasa tamang landas ka.”

-Jona (Office Busters)

 “Sa halos 11 taon ko sa Lica Land, labis ang pasasalamat ko sa magandang trabahong naibigay sa akin. Bilang isang single mom, malaking tulong ito para maibigay ko ang pangangailangan ng aking mga anak. Para sa mga magiging ina, ang payo ko: manatiling matatag, panatilihin ang saya, at huwag kalimutang mahalin ang sarili kahit may anak na.”

-Judith (Copier)

 “Magta-tatlong taon na ako sa Lica, at dahil dito, napag-aral ko ang bunso ko sa kolehiyo. Ang maipapayo ko—kailangan ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa mga hamon ng buhay, lalo na sa trabaho araw-araw. Salamat sa Lica sa tulong at oportunidad na naibigay sa akin para maitaguyod ang aking pamilya.”

-Mhel (Mall & Property Management Operations)

 “Sa halos isa at kalahating taon ng pagtatrabaho kay Lica, nakatulong siya financially and advise ko be respectful.”

-Froxy (Accounting)

 “I’m turning 3 years at LICA this coming September 2025. Lica has helped me a lot, especially financially. My advice: love your work and stay focused on your goals.”

-Mae (Accounting)

 “2 years na ako sa Lica, at malaki ang naitulong nito sa akin — nagkaroon ako ng mga benepisyo sa trabaho at natutustusan ko ang pangangailangan ng mga anak ko. Bilang isang ina, mahalaga ang sipag, tiyaga, at pananatiling masaya kahit mahirap ang buhay.”

-Rosalyn (Mall & Property Management Operations)

 “1 year and 7 months na ako sa Lica, at nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng stable na trabaho. Bilang isang ina, ginagawa ko ang lahat para sa aking mga anak. Kayang-kaya kong pagsabayin ang pagiging ina at ang trabaho ko para sa kanilang kinabukasan.”

-Gemma (Office Busters)

 “4 years and 4 months na ako sa Lica, at lubos ang pasasalamat ko dahil malaki ang naitutulong nito sa akin financially para masuportahan ang pangangailangan ng pamilya ko. Mahalaga ang self-assurance at pagiging isang malakas na babae. Hindi hadlang ang pagiging ina para magkaroon ng magandang career. Walang mahirap na trabaho para sa isang ina, kaya’t gawin ang lahat para sa kinabukasan ng pamilya at mga anak. “

-Larnie (Accounting)

 “9 years na ako sa Lica, at dahil sa kanila, napag-aral ko ang aking dalawang anak at natutugunan ko ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya ko. Hindi rin ako nahirapan sa araw-araw na pangangailangan dahil sa maayos na sahod mula sa Lica. Mahalaga ang pagkakaroon ng mataas na self-esteem, pagiging masipag, at laging iniisip ang kinabukasan ng mga anak.”

-Evelyn (Engineering)

 “In my 1 year and 5 months with Lica, I’ve been able to provide for my family, especially now that I am a new mother celebrating my first Mother’s Day. I believe that proper time management and healthy boundaries between family time and work are essential for balance.”

-Angelica (Legal)

 “3 years na ako sa Lica Land. Sobrang laking tulong ng kumpanya sa akin, lalo na pagdating sa sarili kong pamilya. Ang maipapayo ko—laging magdasal.”

-Christine (Hotel & Property Management Operations)

 “6 years and 5 months na ako sa Lica Land. Natanggal ni Lica ang pangamba ko kung kakayanin kong suportahan ang anak ko, lalo na noong pandemya. Pinalakas nito ang kumpiyansa ko bilang isang ina at naging malaking bahagi sa aking personal na pag-unlad. Natutunan ko dito ang kahalagahan ng tiyaga, pasensya, at pag-unawa—mga katangiang dala ko sa pagpapalaki ng anak ko.

Sa Lica ko napatunayan na ang bawat trabaho, kahit mahirap, ay may kaakibat na oportunidad para matuto at umunlad. Hindi ka lang binabayaran—tinuturuan ka rin.

Para sa mga bagong ina, tandaan: normal lang ang pagod at emosyonal na paghina. Pero huwag makulong sa negatibo. Mahalin ang sarili, gumastos nang tama, at isentro ang buhay sa pamilya, panalangin, at positibong gawain. Ang pagiging ina ay isang napakalaking responsibilidad, pero sa tulong ng suporta at tamang pag-iisip, makakaya ito. Sabi nga, “Naging magaling ako dahil sa Lica ako nanggaling.”

Aiza (Engineering)

 “6 years na ako sa Lica. Lubos akong nagpapasalamat dahil malugod pa rin akong tinanggap sa aking pagbabalik. Malaking tulong ito sa aking career growth at mga aral sa buhay na maibabahagi ko sa aking pamilya. Pag naging ina ka na, lahat ng prayoridad mo magbabago. Kakayanin mo kahit ang imposible—kaya magtiwala sa Diyos at gawing inspirasyon ang iyong mga anak.”

-Kathy (Facilities & Maintenance) 

“3 months pa lang ako sa Lica, pero malaki na agad ang naitulong nito sa akin bilang isang ina. Natutunan kong balansehin ang trabaho at buhay pamilya, na mahalaga para sa isang working mom. Para sa mga bagong ina at naghahanap ng trabaho, ang maipapayo ko: magtiwala sa perfect timing. Darating din ang tamang oportunidad para sa career at tagumpay sa buhay”

-Jhenine (Human Resources and Admin Department)